Friday, September 17, 2010

http://www2.igma.tv/beta/webpics/galleries/survivor-celebrity-showdown-presscon/main/14-survivorceleb-presscon.jpg

Dalawa na ang bagong shows ng veteran comedian and TV host na si Joey de Leon sa TV5—ang game show na House Or Not at ang gag show na Wow, Meganon?! kung saan kasama niya si comic DJ na si Mr. Fu.

Bukod sa shows niya sa TV5, napapanood din si Joey sa apat na programa ng GMA-7: Eat Bulaga!, Startalk, Mel & Joey, at Spin It! Win It!.

Ipinaliwanag ni Joey na wala siyang kontrata sa Kapuso network kaya naman malaya siyang nakatatangap ng shows sa TV5.

"Alam ninyo sa totoo, hindi ko itinatago, wala akong kontrata sa kahit anong network," sabi ni Joey nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Wow Megonon?! Lunes ng gabi, September 6, sa Cravings Tomas Morato.

Dagdag niya, "Ang kontrata ko lang ay sa Startalk. Hindi ko pa yata naibabalik yung contract, e! Basta ang kontrata ko lang dun ay hindi ako puwedeng gumawa ng isang chismis show din. At hindi ko alam kung nakasulat din dun na hindi ako puwedeng lumabas sa ganoong klase rin ng show. Hindi ko maalala. Yun lang siguro.

"Hindi ako kumukontrata. Hindi kami sanay mula pa noon ni Vic [Sotto] na nagpapakontrata. Dalawang bagay ang hindi namin ginagawa ni Vic—ang mag-makeup saka magpakontrata!" natatawa niyang biro.

WILLIE REVILLAME. Napabalita noon na kukunin at bibigyan ng show ng GMA-7 si Willie Revillame pagkatapos mawala sa ere ang noontime variety show nitong Wowowee sa ABS-CBN.

Nang makarating daw ito kay Joey ay sumama ang loob niya sa Kapuso network. Kaya nagbalak daw siyang mag-resign dito. Iiwan na raw niya ang mga shows niya rito. Sa isang episode nga ng Startalk ay hindi rin siya sumipot.

Pinabulaanan naman ni Joey na magre-resign siya sa kanyang shows kapag pumasok si Willie sa Kapuso network.

Paliwanag niya, "Natiyempo lang na wala ako sa Startalk. Yun yung time na nagloloko ang tiyan ko for two weeks. Wala akong balak na mag-resign sa mga shows ko. Ang sarap-sarap magtrabaho."

Hindi rin naman natuloy na magkaroon ng show si Willie sa GMA 7. Pero sa TV5 ay tuloy na tuloy na raw ang pagkakaroon niya rito ng isang variety show, ang Wiling-Wili Kami, na mapapanood na raw simula sa October.

Okey lang naman daw kay Joey na makakasama niya na sa iisang network si Willie.

"Wala akong magagawa. Desisyon 'yan ng management. Wala akong power para pigilan... Saka hindi ko naman pipigilan, trabaho 'yan, e. Siya [Willie] lang naman ang nagpapaalis ng tao, hindi naman ako!" biro ni Joey.

Pero kung sakaling bigyan sila ng show together ni Willie sa TV5, tatanggapin ba niya?

"Malabo siguro ngayon kasi ang dami ko nang ginagawa na, e," sagot niya. "Me mga radyo pa nga akong iniisip ngayon, e. Baka mawalan na ako ng time sa ibang bagay. Bumalik muna siya. Mahirap, e, hindi pa nga siya bumabalik, e. Basta walang problema sa akin. Hindi naman ako ganung tao, e."

Out of curiosity, if ever magkakaroon sila ng show ni Willie, ano sa tingin niya ang magiging format o title ng show nila?

"Siguro yun ano.. Night and Day ang title. Ako dun sa Day, siya yung tipong sa show ni German Moreno sa Night!" tawa ni Joey.

"Hindi, joke lang yun, huh!" bawi niya. "Saka hindi naman ako yung kaaway niya, e, si Jobert [Sucaldito]. Tanungin ninyo si Jobert, sila ang ‘pag ginawan ng show, kung tatanggapin ba niya." - Rommel Placente, PEP



Health and Wellness
The Leader
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farming

No comments:

Post a Comment