Friday, September 17, 2010

Survivor Philippines: Magan tribe sends another member home

 Sa dalawang sunod na linggo, isa na namang castaway ang nalagas sa Magan Tribe sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown nitong Biyernes.

Nanggaling muli sa tribu na pinamumunuan ni Buhawi Meneses, ang pagboto ng pauuwiing castaway matapos matalo sa immunity challenge ang representative nila na si Elma Muros.

Sa ginawang botohan sa Tribal Council na pinamunuan ng host na si Richard Gutierrez, pinili ng tribu na patalsikin ang Bubble Gang cast member na si Myka Flores, na dalawang araw nawala sa isla dahil sa emergency cases.

Sa 18 na celebrity castaways, nauna ng nawala sina Doc Ferz Recio, host ng Born to Be Wild, at Starstruck V avenger Princess “Ang Pasaway" Snell.

Bukod kay Buhawi, natitirang miyembro ng Magan tribe – na itinuturing pinakamahina sa tatlong tribu sa reality series – ay sina Socialite and model Solenn Heussaff, actor and host Mico Aytona, at track and field champ na si Elma.

Tila inaasahan naman ni Myka na siya ang patatalsikin sa tribu dahil sa pagkawala niya ng dalawang araw sa isla matapos siyang isugod sa ospital dahil sa panginginig.

Aminado naman ang cast member ng Bubble Gang na nanghihinayang siya sa pagkakatanggal dahil nawala na rin ang tiyansa niyang manalo ng P3 million cash price.

Bago ang botohan, inungkat muna ni Richard kung tama ba ang naging desisyon ni Buhawi na patalsikin sa isla noong nakaraang linggo si Doc Ferdz na posibleng dahilan ng paghina ng kanilang grupo.

Katunggali ng Magan Tribe ang Nagar Tribe na pinamumunuan ng model na si John Hall, at Sar Mayee na pinamumunuan naman ng SexBomb dancer na si Ira Bermudez. - FRJimenez, GMANews.TV


Health and Wellness
The Leader
Young and Adult Sexual Reprouctive Health
Organic Farming

No comments:

Post a Comment